"Paminsan-minsan, isipin mo muna kung may masasaktan sa gagawin mo. Dahil ang "sorry" ay pwede lang magbura ng galit, pero hindi nagtatama ng mali. Tandaan mo, hindi tayo binigyan ng konsensya para lang makapili ng pinaka germ-protecting na sabon." -MgaEpal.com
"Wag kang masyadong puro "sana". Magpasalamat ka naman sa mga "buti nalang." -MgaEpal.com
"May mga kaalaman na naituturo ng kabiguan na hindi kailanman maituturo ng tagumpay." -MgaEpal.com
"Mas maganda tingnan ang pagtubo ng halaman na tinali at sapilitang hinubog ang mga tangkay, pero mas nagbubunga ang halaman na lumago ng malaya." -MgaEpal.com
"Bihira ang mga kaibigan na sasabayan ka sa pagluha. Pambihira ang mga kaibigan na kayang pahintuin ang pagluha mo." -MgaEpal.com
"Ang pag-iyak ay parang pag-tae. Masarap ilabas lalo na kung matagl mong pinigil. Maginhawa sa loob pagkatapos mong gawin. At gumagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo na lahat. Kaya sige, i-ire mo ang mga luha, at ilabas mo ang mga tae ng damdamin." -MgaEpal.com
"Yung mga taong hindi nagigising sa kahit anong kalabog ng katotohanan, yan yung mga taong nagtutulog-tulugan dahil kontento na sila sa pekeng panaginip ng pag-asa." -MgaEpal.com
"Ang matibay na tao, kayang tibagin ang mga nakaharang sa kanya. Kikilos paabante at titibagin ulit kung may nakaharang pa. Ang madiskarteng tao, gagawing tungtungan ang mga harang para maka-angat sa iba. Hindi lang kikilos paabante, kundi pataas kung saan mas konti ang makakaharang sa kanya." -MgaEpal.com
"Fool me once, shame on you. Fool me twice, rest in peace." -MgaEpal.com
- "May mga tao lang talagang kailangan maging medyo naughty, para manatiling nice." -MgaEpal.com
"Walang bagay na walang kwenta sa taong malawak ang kaalaman, matindi ang imahinasyon, at umaapaw ang diskarte ng utak." -MgaEpal.com
"Ang unang hakbang sa katuparan ng pangarap... ay pagkakaroon ng pangarap." -MgaEpal.com
"Ang buhay ng tao ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan iniihian." -MgaEpal.com
"Ang taong hindi nagkakamali... ay walang ginagawa." -MgaEpal.com
"Mas mabuti pang tumahimik ka at paghinalaan ka nilang tanga, kesa magsalita ka at mapatunayan nilang tama ang hinala nila." -MgaEpal.com
"Mas mabuti pa ang masapak ng katotohanan, kesa kurut-kurutin ng kasinungalingan." -MgaEpal.com
"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang." -MgaEpal.com
MgaEpal.com Quotes
Subscribe to:
Posts (Atom)