Tagalog Quotes

Pinoy Thoughts and Tagalog Love Quotes

Ipokito ka kung galit ka sa mga taong mas mababa ang tingin sa mga Filipino na baluktot mag-english. Pero ikaw mismo, mas mababa ang tingin mo sa mga Filipino na baluktot mag-tagalog.

Mas mabuting tapatin ka sa malupit na katotohanan kesa paniwalain ka sa malambing na kasinungalingan.

Dalawang klaseng tao lang ang hihirit ng "Sus, maghihiwalay din yan." tuwing nakakakita ng masayang magshota... mga single na inggitero, at mga hindi masaya sa sariling relasyon.

Walang taong shy type. Depende lang yan sa kasama.

Ang tampo ay UGAT na pwedeng TUMUBO bilang sumpong at MAGBUNGA ng mabigat na galit. Kaya para hindi mabagsakan ng mabigat na bunga, tabasin agad ang ugat.

Baket ba may mga taong magpapakahirap mag-imbento ng palusot para sa mga simple at maliit na pagkakamali? Mas madali namang mag-sorry.

Kung hindi mo sya pagsasabihan dahil takot kang mag-away kayo, wala kang karapatang umasa na magbabago sya.

Kung masyado kang bilib sa sarili mo, pa-autograph ka sayo.

Minsan ka lang magpadala ng sweet message sa text, paiiksiin mo pa yung mga salita. Mag effort ka naman kung gusto mong maging "sweet" kase maging "swit".

Dura ka nang dura pag nakaka-amoy ka ng mabaho. Baket, akala mo ba pangpabango yang laway mo?

Wag ka na lang magsalita kung puro ka "Kaya ko din yan." pero wala ka namang balak patunayan.

Gawin mo na ang mga ASSINGNMENTS ng buhay mo habang malayo pa ang DEADline.

Ang pag-iyak ay anatomical reaction lang sa matinding lungkot o saya. Kaya ok lang umiyak, basta punasan mo lang yung lumalabas na sipon. Kahit singhutin mo man lang.

Sya yung nagtampo, tapos ikaw yung magagalit? Wag ganon. Wag kang agaw trip.

Kung mahal mo sya, umamin ka na. Baka kasi unahan ka nyang umamin, kaso sa iba.

Kung naniniwala ka sa love at first sight, hindi mo alam ang tunay na ibig sabihin ng love.

Ang buhay nga naman. Kung sino pa ang gusto mo, yun pa ang magpapatulong sayong ilakad sya sa iba.

Kung wala kang magagawa para ipagtanggol ang isang taong inaapai ng iba, pinaka simpleng tulong mo na sa kanyal kung hindi ka magpapadala sa sulsol ng iba na apihin din sya.

Hindi porke siningitan mo ng quote ang sinabi mo tama ka na.

Originaly writen by MgaEpal.com

Share some of your favorite Tagalog Quotes on the comments.

2 comments:

  1. Very Nice Site! Sana Di Kayo Maubusan ng Bago!. More Power!


    -Candy

    ReplyDelete
  2. Ang galing, napangiti nyo na naman ako sa araw na ito. haha. hihiramin ko po yang mga quotes nyo, pero syempre icecredit ko sa inyo ! Apir! ang galing talga, pa-autograph nga!

    ReplyDelete